FAMILY: THE NATION’S STRONGEST FOUNDATION
The family is the smallest yet strongest unit of society.
Para sa karamihan, ang pamilya ang pinakamahalaga. Kaya pagdating sa Kongreso, mga batas at mga programang magpapatibay at magpapalakas sa mga miyembro ng pamilyang Pilipino ang isinusulong ng inyong lingkod. Hindi din mawawala ang mga proyekto para sa pagpapatatag ng pamilya.
KABATAAN: PAG-ASA NG KINABUKASAN
The youth is the hope and the future of the nation. Kinikilala ng mag-asawang Gus at Joy Tambunting ang papel ng kabataan sa lipunan kaya todo ang suportang iniaabot nila para sa kanilang kapakanan.
Number 1 dito ang sports activities at pamimigay ng scholarships sa mga deserving na mag-aaral ng Parañaque. Malapit din sa puso ng inyong lingkod ang Sangguniang Kabataan na inaasahan nating mamumuno at huhubog sa kaisipan ng lipunan sa kinabukasan.
SENIOR CITIZENS: KALINGANG WALANG HANGGAN
Mapa-bata man o matatanda, walang age limit o pinipiling edad ang ating pinaglilingkuran. May espesyal na pwesto sa puso namin ang mga senior citizen at lubos nating pinahahalagahan ang kanilang naging ambag sa lipunan. Ang pag-alaga sa mga Senior Citizen ay bilin sa amin ng aming Lola, ang dating Reyna ng Pelikulang Tagalog, Mila del Sol.
Bukod sa financial assistance at pa-birthday sa ating mga minamahal na lolo’t lola, tuluy-tuloy din ang paghahain natin ng mga batas na susuporta at kakalinga sa senior citizens sa Parañaque at sa buong bansa.
URBAN POOR: PAG-ASENSO KONTRA KAHIRAPAN
Bago pa man naging uso ang terminong ayuda, mahigit isang dekada nang umaarangkada sa pagtulong ang inyong lingkod sa ating mga kababayan!
Mapa-medical, financial, pangkabuhayan at iba pang suporta, bukas-palad itong inaabot nina Congressman Gus at Congresswoman Joy Tambunting sa mga Parañaqueño. Hanggang sa Kongreso, prayoridad natin ang pagtulak ng mga batas na magpapaangat ng kalidad ng buhay ng mahihirap.
WOMEN AND LGBTQ: EQUAL RIGHTS FOR ALL
pinaglalaban ni Cong. Joy Tambunting ang pagprotekta at pagtaguyod sa dignidad at kapakanan ng kababaihan at ng LGBTQ community kahit saan man— sa trabaho, sa lipunan o sa tahanan.
As espoused in the Universal Declaration of Human Rights, “all human beings are born free and equal in dignity and rights.”
Bilang BFF ng Parañaque, maaasahan niyo ang suporta ng inyong lingkod sa pagharap sa mga issue ng discrimination, inequality, gender-based violence, hate crimes, atbp.
Patuloy ang pagtulak natin sa mga programang naglalayong magpalakas at magbigay kapangyarihan sa lahat, kabilang na ang LGBTQ community at kababaihan.